To be continue…

I am Sharmaine just call me Sharm. Jolly and friendly. I want share my story behind of it.

Ako. Ako. Ako. Walang nakakaalam kundi ako mismo kung sino ba talaga ako.

Ako si Sharms, dalawamput tatlong gulang. Masayahin pero madaling mapaiyak. Mapagmahal pero palaging sinasaktan. Matapang pero naranasang magpakamatay.

Saan ba ako huhugot ng lakas? Saan ko ba dapat maluha yun? Saan ba nanggaling lahat ng ito? At bakit ako pa?

I’ve attempted suicide not just once but many times. Siguro no one can ever understand yung totoo ako. Palagi nilang naiisip na mali ako at ako nakakalimot. Tao lang ako. Nasasaktan at nadadapa sa buhay pero paano ka babangon kung ikaw lang.

Depresyon na unti unti akong pinapatay. Araw araw pinipigilan ko wag isipin at kalabanin pero mas madali pa atang isuko ang laban kesa labanan. Aminado ako na mahina ako. Mahina pero ni minsan walang nakaramdam kase kaya kong pagtakpan lahat. Paano ka na lalalaban kung wala ng dahilan?

Dahilan para mabuhay ka.

Noon eto ako. Nagagawa kong magkubli sa dilim at takot lumaban pero ngayon ako ay lumalaban kahit paulit ulit akong sinasaktan at dinudurog ng mga tao sa paligid ko.

Pasensya na kung mahina ako. Oo alam ko akala ninyo matapang ako pero hindi. Ginagawa ko to para lumaban para sa buhay at makalaya sa madilim na kwarto na kung saan pilit akong kinukulong.

Ako si Sharms. Masiyahin pero nasasaktan at palaging sinasaktan. Minsan tatanungin mo nalang ang sarili mo, ‘kailangan pa ba ako ng mundo?’ Sana may sagot.

Eto ang pagsubok ng pagkatao ko. Lalaban at kakayanin. Magpapatuloy sa paghahanap ng sarili.

Kailangan kong mahanap ang mga sagot sa tanong ko. Hahanapin ang mga gamot sa durog na puso at wasak na utak.

Ako to. Unti unting binubuo ang sarili at magpapatuloy ang istoryang to hanggang sa umabot ako sa katapusan

To be continue…

Ikalawang kabanata

Ikalawang yugto ng buhay ko. Akala ko katapusan ko na naman. Akala ko matatapos na naman.

Muli ko kase binuksan ang puso ko para sa kanya. Limang taon din ang tinagal ng lahat pero biglang natapos agad na wala akong mapuntahan.

Gusto ko may mayakap. Isang gabi. Isang gabi na muli ako bumalik sa madilim na kwarto kung saan ako nakakulong noon.

Akala ko wala na ang dating Sharmaine na pilit kumakawala sa pagkatao ko. Narito pa pala sya. Pilit bumabalik ulit sa dati. Basag na naman ako. Basag na basag ang buong pagkatao ko. Ni hindi ko alam paano sisimulan ang umpisa o paano magpapatuloy. Nawasak na naman ang puso sa paulit ulit na pagkakataon. Ilang beses. Makailang beses pa ba para masabi ok ka na. Gusto mo lumaban pero paano. Paano ka naman lalaban kung alam mong talo ka na sa laban na ikaw din ang nagumpisa.

Di ko alam kung ako ba ang may mali. Pero bakit paulit ulit na lang ako nasasaktan at sinasaktan ng mga tao sa paligid ko. Minahal ko naman sila. Oo. Patuloy ko pa din namang minamahal sila pero bakit amg sinusukli nila ay puro pait at sakit. Sakit na di ko alam kung may gamot pa ba o solusyon para maghilom

Tinatanong ang sarili kailangan bang humantong sa ganito sa ganitong sakit at babalikan na naman ang dating AKO na pilit lalabanan ang buhay at kamatayan

Sana dumating sa pagkakataon na wala ng taong mananakit sa akin kase sa totoo lang basag na basag na ako. Di ko alam paano tumayo pero pinipilit kong lumaban

Ako si Sharm. Masayahin pero eto ako nalulungkot kse mag isa na naman at hinaharap ang panibagong hamon ng buhay

Nagpapasalamat sa mga nangyayare. Oo. Salamat nalang ang kaya kong sabihin kaysa magalit ako sa tadhana wala rin naman akong magagawa.

Maraming masasayang ala ala kasama ka pero lahat ng iyon pinalitan mo ng mga luha na pumapatak mula sa mata ko. Lahat ginawa ko para sayo pero ako pala ang talo kae iniwan mo nalang ako sa mundong tayong dalawa ang bumuo.

Patuloy kong hinahanap ang daan para makalabas ulit sa madilim na kwarto ng aking pagkatao. Gusto ko ng sumuko minsan pero minsan gusto ko din lumaban. Pero para saan pa nga ba?

Mga tanong sa utak ko.

Bakit ako kailangan masaktan ng ganito? Bakit kailangan magpatuloy?

Sana dumating ang araw na kaya ko ng ipagpatuloy ang istorya ko ng may dalang inspirasyon at saya

Magpapatuloy pa din ang istorya mg buhay ko….

Ipagpapatuloy ko

Advertisements

Keep going by me

Literally means life must continue!

Must but too hard to do.
Sad but true
When mind keep asking why
When heart keep asking how
The answer is I want to die

Proper versus improper
Sad versus happiness
It becomes unwanted
Life moves on

But how it will keep going
Hard to answer
Fail to try
Why am I

Emotions keep asking
Minds keep talking
Heart keep saying
Literally on what is meaning

Just keep going!